A few pics from the parish fiesta
Just beautiful 😇🔥
SALAMAT PO sa talinong ibinigay mo sa akin. Regular ko pong pinatitingnan ang aking sasakyan, at tinitiyak na maayos ang kondisyon nito bago ako lumakad.
SALAMAT PO sa paglalagay sa aking puso ng pagmamahal para sa aking mga pasahero, pag-ibig na nagbubunsod sa akin na maging maingat sa kalsada. Sa aking pagsunod sa itinakdang tulin, sa mga dilaw na linya sa kalsada, at sa iba pang mga babalang nakahanay sa mga kalsadang aking dadaanan, hindi lamang tiyak na ligtas ang aking mga pasahero, kundi ako ri’y makakauwing ligtas sa aking pamilya.
Ito po ang aking panalangin, AMEN